Libreng barangay-based testing isinusulong ni Councilor Vargas

 

Dahil sa pagdami ng mga tinatamaan ng Omicron variant ng COVID-1, isinusulong ni Quezon City  District 5 Councilor PM Vargas  na  magkaroon  ng libreng  barangay -based testing sa lungsod. Ayon kay Vargas, kinakailangan na matugunan kaagad ang agam-agam ng taong bayan. “Dapat po nating tugunan agad ang takot at agam-agam ng ating mga kababayan para maprotektahan nila ang kanilang pamilya sa mas nakahahawang virus na ito. Kung sila man ay exposed o nagsimulang magkaroon ng sintomas, mainam na makakapunta sila sa kanilang barangay para kumuha ng libreng antigen test,” dagdag ni Vargas. Si Vargas kasama si Quezon City  Mayor Joy Belmonte at QC Epidemiology and Surveilance Unit  ay kapit bisig sa pagpapatupad ng libreng  antigen testing  sa  mga residente ng District V  upang mapangalagaan ang bawat komunidad sa nakahahawang variant ng Covid 19. Anya ang agarang pagpapasuri ay isang daan upang maiwasan ang impeksyon lalupat ngayon ay may nagaganap na community transmission sa Metro Manila batay sa ulat  ng  Department of Health (DOH). Ang pagpapasuri anya ay hindi  accessible at hindi nakakayanan ng marami ang gastos dito na umaabot sa  P 700 hanggang P1,000. Unang nakinabang sa libreng antigen testing ang may  500 residente mula sa Fairview, North Fairview, at Sta. Lucia . Ang mga nasusuring positibo sa Covid 19 ay agad na ipinadadala sa quarantine facilities  sa tulong ng CESU at City Barangay Health Emergency Response Teams (BHERT) “Sa pamamagitan po nito, malalaman at maabot natin ang may kailangan ng tulong. Mabibigyang lunas natin ang mga may sakit. Mapaglalaanan natin ng suporta ang mga kailangang mag-quarantine,”  dagdag ni Vargas. Para magkaroon ng libreng serbisyo,  ang residente ay  kailangang magpunta sa  Greater Fairview Barangay Hall ngayong martes,  January  18 2022 mula alas 9 ng umaga hanggang alas 11 ng umaga  , alas 11 ng umaga hanggang ala 1 ng umaga sa mga taga North Fairview  at ala  1 ng hapon hanggang alas 3 ng hapon ang mga taga  Sta. Lucia . Kailangan lamang na magdala ng sariling ballpen, isang  valid ID, at vaccination card at sagutan ng kumpleto ang form na ibibgay sa venue. Sa mga may dagdag na tanong ay maaaring makipag ugnayan  sa  BHERT officers: Jane Sababan sa  Fairview (09204321831); Steph Baldevieso sa North Fairview (09369004574); at Manuel Galvez  sa  Sta. Lucia (09190755109). Bukod sa  free testing,  patuloy din si  Councilor Vargas sa vaccination rollouts  sa  District V  bilang  Chairman ng  Philippine Red Cross Quezon City Chapter – Novaliches Branch. Noong 2021 lamang ay may mahigit  35,000  katao ang nabakunahan sa ilalim ng kanyang programa. “Sa pakikipagtulungan po natin sa lokal na pamahalaan ng Quezon City, ng Red Cross, at ng bribadong sektor, iigting pa ang ating pagsisikap na maprotektahan ang mga kababayan natin sa District V,”  dagdag ni Vargas.

Read more...