37,070 pang kaso ng COVID-19, naitala sa bansa; 33,940 naman ang gumaling

Higit 37,000 muli ang napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang 4:00, Lunes ng hapon (January 17), 37,070 ang naitalang bagong kaso sa loob ng isang araw.

Dahil dito, pumalo na sa 3,242,374 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 290,938 o 9.0 porsyento ang aktibong kaso.

9,187 rito ang asymptomatic o walang sintomas, 277,020 ang nakararanas ng mild symptoms, 2,947 ang moderate, 1,480 ang severe, habang 304 naman ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 23 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 52,929 o 1.63 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 33,940 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 2,898,507 o 89.4 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...