(UPDATE) Dalawa sa tatlong presong pumuga sa Bilibid, napatay

Napatay ng awtoridad ang dalawa  sa tatlong preso na tumakas mula sa Maximum Security Compound ng National Bilibid Prison (NBP).

Kinilala ni Bureau of Corrections (BuCor) spokesman Gabriel Chaclag ang unang napatay na si Pacifico Adlawan, 49, tubong Surigao de Sur at nakulong dahil sa kasong frustrated homicide at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sinabi ni Chaclag na gamit ang isang .9mm pistol, pinaputukan ni Adlawan ang mga tumutugis sa kanya kayat ginantihan siya ng mga ito.

Natagpuan ang bangkay ni Adlawan sa isang creek malapit na sa Muntinlupa – Cavite Expressway (MCEx).

Samantala, alas-3 ngayon hapon, napatay na din ang isa pang pugante, si Arwin Bio, matapos makipagbarilan sa mga awtoridad.

Patuloy naman ang pagtugis pa sa isa pang pugante na kinilalang si Drakilou Falcon at isinara na ang bahagi ng MCEx.

Tumakas ang tatlo ala-1:20 kaninang madaling araw at binaril ng mga ito ang tatlong correction officers at isang sibilyan.

Read more...