688 trafficking, illegal recruitment victims nailigtas ng BI sa taong 2021

Nailigtas ng Bureau of Immigration (BI) ang kabuuang 688 posibleng biktima ng human trafficking at illegal recruitment.

Bahagi ito ng patuloy na kampanya laban sa human sa mga port of exit sa bansa.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, naharang ang pag-alis ng 13,680 pasahero sa 2021, kung saan karamihan ay may improper documentation.

Sa datos ng Travel Control and Enforcement Unit (TCEU), sa nasabing bilang, 491 ang nakitang posibleng biktima ng human trafficking at dinala sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa tulong at imbestigasyon.

Samantala, 197 biktima naman ang dinala sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA). Karamihan sa nasabing bilang ay mayroong kwestiyunableng overseas work permits at job contracts.

“There is still a large number of minors and underaged victims posing as legitimate workers that were intercepted this year despite the pandemic, despite the continuous warnings we have issued,” pahayag ni Morente.

Maliban dito, napigilan din ang pag-alis ang 326 menor de edad na biktima sa kaparehong taon.

“Some common schemes that these human traffickers and illegal recruiters would employ is the issuance of fake documents or tampered visas to their victims, falsified marriages, the continued attempt to use tourist visas to work abroad, and duping underaged Filipinos to work as household workers,” ani Morente.

Dahil dito, nagbabala muli ang ahensya sa mga nagbabalak na magtrabaho sa ibang bansa na iwasan ang naturang modus.

“These illegal schemes have already been uncovered by the BI, and we keep on issuing warnings to our kababayans against them,” ani Morente at dagdag nito, “Do not fall prey to these scammers and traffickers, they will only give you false promises and put you in danger.”

Read more...