Office of the City Mayor at City Administrator ng Navotas, sarado muna

Pansamantalang isinara ang Office of the City Mayor at Administrator ng Navota simula sa Lunes, January 17.

Ayon sa Navotas City government, ilang kawani ng nasabing tanggapan ang nagpositibo sa COVID-19.

Sarado ang dalawang opisina hanggang sa araw ng Miyerkules, January 19.

Kung mayroong urgent, maaring magpadala ng email sa office.mayor@navotas.gov.ph o office.admin@navotas.gov.ph.

Samantala, bukas na ang Navotas Social Services One-Stop Shop (NavoServe) simula sa araw ng Lunes.

Read more...