Presyo ng diesel, tataas ng halos P2

Abiso sa mga motorista.

Magpapatupad ng bigtime oil price increase sa mga produktong petrolyo.

Batay sa anunsiyo ng Caltex, Cleanfuel, Petro Gazz, Seaoil, at Shell, may dagdag na P1.80 sa kada litro ng diesel habang P0.90 naman ang patong sa kada litro ng gasolina.

Magkakaroon din ng taas-presyo na P2.30 sa bawat litro ng kerosene ng Caltex, Seaoil, at Shell.

Mauunang ipatupad ang oil price increase sa Caltex bandang 12:01, Martes ng madaling-araw (January 18).

Magiging epektibo naman ang oil price adjustment ng Flying V, Petron, Petro Gazz, Shell, at Seaoil bandang 6:00, Martes ng umaga.

Samantala, dakong 4:01, Martes ng hapon magsisimulang mabago ang presyo ng mga produktong petrolyo ng Cleanfuel.

Asahang mag-aanunsiyo na rin ang iba pang oil companies ng kanilang oil price adjustment.

Read more...