Worksite capacity sa DFA offices sa mga lugar na nasa Alert Level 3, ibinaba sa 30 porsyento

Ibinaba sa 30 porsyento ang worksite capacity sa mga tanggapan ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga lugar na nakasailalim sa Alert Level 3.

Ayon sa kagawaran, nasa 24.7 porsyento kasi ang COVID-19 positivity rate sa kanilang mga empleyado.

Hindi pa kabilang sa naturang datos ang mga itinuturing bilang close contact.

Kasabay ng 30-percent worksite capacity, ipapatupad din ang work-from-home at iba pang flexible work arrangement.

“And to ensure uninterrupted delivery of essential public services, no temporary closures will be allowed unless authorized by the Executive Secretary,” saad pa ng DFA.

Read more...