Kinakailangan aniyang manatiling nakaantabay ang lahat, bukod pa sa ibayong pag-iingat at pagsunod sa inuutos ng gobyerno.
“We should remain vigilant as we continue to battle COVID-19. Huwag tayo magkumpyansa. Kailangan ng disiplina at kooperasyon para malampasan ang krisis na ito,” aniya.
Bilin din nito ang pagsunod sa quarantine protocols at hindi dapat isugal ang sarling kalusugan, gayundin ng mga kapwa lalo na’t kumakalat ang Omicron variant.
“Ang public health ay responsibilidad nating lahat at hindi lamang ng gobyerno, kaya gawin natin ang ating parte upang tuluyan na nating malampasan ang pandemya. Kung may nararamdaman kayo, mas mabuting iwasan na ang paglabas ng bahay para wala nang mahawaan pang iba. Alagaan ang sarili at sundin lamang ang payo ng health experts,” ang payo ng chairman ng Senate Committee on Health.