Bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa PNP, higit 4,000 na

Nasa 390 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Sabado (January 15), 45,321 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 4,028 ang aktibo pang kaso.

129 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 41,168 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito, 125 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...