Mga pumanaw dahil sa COVID-19 sa buong mundo, higit 5.54 milyon na

AFP photo

Lagpas 5.54 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 5,546,546 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 871,333.

Sumunod na rito ang Brazil na may 620,847 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 485,780 naman ang death toll sa India habang 319,911 ang napaulat na nasawi sa Russia.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Mexico – 300,912
– Peru – 203,255
– United Kingdom – 151,612
– Indonesia – 144,163
– Italy – 140,548
– Iran – 132,026
– Colombia – 130,731
– France – 126,721
– Argentina – 117,901
– Germany – 116,098
– Poland – 101,841

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 323,867,589 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 265,241,727 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...