Higit 54 milyong Filipino, bakunado na vs COVID-19

Photo credit: Quezon City government/Facebook

Umabot na sa mahigit 54 milyon ang bilang ng mga Filipinong nabakunahan laban sa COVID-19.

Sa datos ng National Vaccination Operations Center (NVOC) noong January 13, nasa 54,457,863 na ang fully vaccinated na indibiduwal sa bansa.

Sa ngayon, nakapagbigay na ng 117,383,756 million doses ng bakuna sa buong bansa.

Target ng gobyerno na maging fully vaccinated ang 70 milyong indibiduwal sa unang kwarter ng 2022.

Bunsod nito, patuloy na hinihikayat ang publiko na magpabakuna upang magkaroon ng dagdag na proteksyon laban sa nakahahawang sakit.

Read more...