Binawi na ng Pilipinas ang travel ban sa mga biyahero na galing sa mga bansang tinaguriang “red list countries” o mga bansang may matataas na kaso ng COVID-19.
Ayon kay Cabinet Secretary at acting presidential spokesman Karlo Nograles, magsisimula ito sa Enero 16 hanggang 31.
Kinakailangan lamang aniya na fully vaccinated laban sa COVID-19 at magpresenta ng negatibong RT-PCR test result na ginawa sa loob ng 48 oras bago umalis sa bansang pinanggalingan.
Kinakailangan ding sumailalim sa facility-based quarantine at RT-PCR COVID-19 test sa ikapitong araw.
Kinakailangang kumpletuhin ang 14 araw na quarantine sa bahay kung negatibo ang resulta ng RT-PCR COVID-19 test.
Kabilang sa mga bansang nasa red list ang:
– Antigua and Barbuda
– Aruba
– Canada
– Curacao
– French Guiana
– Iceland
– Malta
– Mayotte
– Mozambique
– Puerto Rico
– Saudi Arabia
– Somalia
– Spain at
– US Virgin Islands