Travel ban sa mga dayuhang nais pumunta sa bansa, binawi na ng Pilipinas

Binawi na ng Pilipinas ang travel ban sa mga dayuhan na nagnanais na pumasok sa bansa.

Ayon kay Cabinet Secretary at acting presidential Spokesman Karlo Nograles, maari nang pumasok sa bansa ang mga dayuhan basta’t fully vaccinated na laban sa COVID-19.

Pero paglilinaw ni Nograles, hindi pa bukas ang pintuan ng Pilipinas sa mga dayuhang turista.

Magsisimula aniya ito sa Pebrero 16, 2022.

Hindi aniya kasama sa requirement sa fully vaccinated individuals ang mga dayuhan na nag-eedad 18-anyos pababa, may mga medical conditions, foreign diplomat at kwalipikadong dependents.

Read more...