Sa inilabas na pahayag, sinabi ng PAL na suportado nito ang inisyatibo ng kagawaran na magkaroon ng ligtas na pagbiyahe sa gitna ng banta sa Omicron variant.
“We laud the DOTr’s initiative to help the Filipino public embark on essential travels during the current crisis,” saad ni PAL President at COO Gilbert Santa Maria.
Dagdag nito, “We assure the public that PAL will do our part to uphold the strictest safety standards and health protocols in our continuing operation of our domestic and international flight network.”
Nagpahayag din ng suporta ang PAL Express sa DOTr at air transport sector sa pagtutok sa mahahalagang air services tulad ng pagpapadala ng COVID-19 vaccines, pag-asiste sa Overseas Filipino Workers (OFWs), at mga pauwi sa kani-kanilang probinsya.
Ani PAL Express President Bonifacio Sam, “We are one with the DOTr and the Philippine air transport sector in working to sustain vital air services throughout the country, facilitating the delivery of urgent goods including lifesaving vaccines, and helping our OFWs and overseas Filipinos fly to their home provinces.”
Samantala, inihayag ng AirAsia Philippines ang pagtalima sa Department Order (DO) ng kagawaran.
“AirAsia Philippines considers this initiative from the DOTr as an effective tool to encourage every Filipino to take the shot, and get an added layer of protection against any emerging COVID-19 variant,” sabi ni AirAsia Philippines CEO Ricky Isla.
Simula sa Lunes, January 17 sinabi ng airline company na patuloy nilang seserbisyuhan ang mga fully vaccinated na pasahero, na sumunod sa itinakdang travel protocols ng local government units (LGUs) ng destinasyon.
Ayon sa AirAsia, maa-accommodate pa rin ang mga hindi bakunadong biyahero na may medical condition basta’t kailangan lamang makapagpakita ng medical certificates.
Ilang mambabatas, medical at transport groups din ang nagpahayag ng suporta sa naturang polisiya.
Magsisimula ang full implementation ng polisya sa January 17 at mananatling epektibo habang nakasailalim ang Metro Manila sa Alert Level 3 o mas mataas.