NCR mananatili sa Alert Level 3 hanggang sa Enero 31

Mananatili sa Alert Level 3 ang National Capital Region (NCR) hanggang sa katapusan ng Enero.

Ito ay dahil sa nanatiling mataas ang kaso ng COVID-19 sa NCR.

Ayon kay Cabinet Secretary at acting presidential spokesperson Karlo Nograles, nagkasundo ang mga miyembro ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases na panatilihin ang Alert Level 3 sa NCR mula Enero 16 hanggang 31.

Sa ilalim ng Alert Level 3, maaring ipatupad ng local government units ang  intrazonal and interzonal travel.

Una nang ipinaatupad ang Alert Level 3 sa NCR simula noong Enero 3.

 

 

Read more...