Sen. Pia Cayetano: Pag-aampon sa bansa pinadali ng RA 11642

Sinabi ni Senator Pia Cayetano na sa bagong Domestic Administrative Adoption and Alternative Child Care Act o Republic Act 11642, madali na ang proseso sa pag-aampon sa bansa.

Aniya sa batas, itatayo ang National Authority for Child Care (NACC), isang ahensiya sa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), na mangangasiwa sa buong proseso ng pag-aampon.

“These reforms seek to speed up adoption proceedings while ensuring the best interest of the child. I know this law will save so many parents and children from the heartbreak of waiting and waiting for their adoption to be final,” sabi pa ni Cayetano, na may isang 11-anyos na adoptive son.

Aniya higit isang dekada na ang lumipas nang isulong niya ang Foster Care Act (RA 10165) para naman sa mga pinabayaan at abandonadong bata.
“I too am an adoptive parent blessed to be raising my son who is now 11. I know of so many heartbreaking stories where young children have become teenagers before they got adopted, if at all, due to the bureaucracy, insufficient personnel handling adoption cases, and lengthy court proceedings,” paliwanag pa ng senadora.

Read more...