DPWH, nag-inspeksyon sa bagong modular health facility sa Pasay

DPWH photo

Nag-inspeksyon ang Department of Public Works and Highways (DPWH), sa pangunguna ni Secretary Roger Mercado, sa isang operational modular health facility sa Pasay City.

“We are checking if facilities after months of use remain conducive to people experiencing mild symptoms or if we need to undertake preventive maintenance of some parts,” pahayag ng kalihim.

Kasama ni Mercado ang iba pang opisyal ng gobyerno sa inspeksyon sa naturang isolation facility.

“Our isolation facilities, although temporary, must be properly-maintained, so that we can continue to address the needs of patients who are recovering, while preventing spread of infection to healthcare workers,” dagdag nito.

Sa National Capital Region (NCR), nakapagtayo at nakapag-convert na ang DPWH ng 34 isolation facilities na may kabuuang 3,787 bed capacity.

Pitong pasilidad ang naitayo sa Pasay City, tig-dalawa sa Pasig at Muntinlupa City, tig-isa sa Makati, Marikina, San Juan, Las Piñas, Caloocan, Malabon, Navotas, at Valenzuela City, tatlo sa Parañaque City, apat sa Maynila, at walo sa Quezon City.

Bawat pasilidad ay mayroong fully-airconditioned rooms, beds, toilet and bath. Ilan pa rito ay may dormitoryo para sa healthcare workers.

Read more...