Kasunod ito ng matinding pananalasa ng Bagyong Odette.
Base sa datos ng Department of Agriculture (DA) hanggang 12:00, Miyerkules ng tanghali (January 12), tinatayang P12.7 bilyon na ang kabuuang halaga ng pinsala sa CALABARZON, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao, SOCCSKSARGEN, at Caraga.
Nasa 267,809 metric tons ang volume loss at 443,419 ektarya ng agricultural areas ang naapektuhan sa iba’t ibang probinsya.
Kabilang sa mga nasira ang bigas, fisheries, coconut, sugarcane, high value crops at iba pa.
Sinabi ng kagawaran na 396,585 na magsasaka at mangingisda ang apektado ng naturang bagyo.
MOST READ
LATEST STORIES