E-Rally page para sa national candidates, inilunsad ng Comelec

Inilunsad ng Commission on Elections (Comelec) ang isang plataporma na maghahatid ng libreng livestreaming ng e-rallies ng mga national candidate sa 2022 National and Local Elections.

Makikita ang Campaign S • A • F • E • COMELEC e-Rally Channel sa Facebook, na magbibigay ng e-rally airtime sa lahat ng kakandidato sa pagka-pangulo, bise presidente at senador, at maging ang party-list organization.

“The Commission will issue the pertinent guidelines on how the candidates and party list organizations can participate in the e-Rally channel,” pahayag ni Comelec Spokesperson James Jimenez.

Dagdag nito, “This platform can help ensure that even those candidates who have less in followers can still have more in views and exposure, so to speak.”

Simula sa February 8, 2022 sisimulan na ang livestreaming ng e-rallies kada gabi sa official social media accounts ng Comelec.

Kada gabi, magpapalabas ng tatlong presidential at tatlong vice-presidential 10-minute slots, at 10 Party-List 3-minute slots.

Nakatakdang ilabas ng ahensya ang schedule ng e-rally timeslots sa bawat elective position:
Presidential – 10 minuto – 3 slots/gabi
Vice-Presidential – 10 minuto – 3 slots/gabi
Senatorial – 3 minuto – 5 slots/gabi
Party-List Organization – 3 minuto – 5 slots/gabi
Political Parties – 10 minuto – 3 slots/gabi

Narito ang link ng Facebook page:

Read more...