Alinsunod sa MMC MMDA Resolution No. 22-01, s. 2022, ipinagtibay ang naturang kautusan sa ilalim ng bisa ng Ordinance No., 1, s. 2022.
Nakasaad sa naturang ordinansa na maari lamang makalabas ang mga hindi bakunado kung bibili ng mga pangunahing pangangailangan, kailangang mag-access ng mga essential na serbisyo, o pumasok sa trabaho.
Sa mga papasok sa trabaho, kailangang sumailalim sa RT-PCR test kada dalawang linggo at ipakita ang negatibong resulta nito para sa onsite work. Sariling gastos ito ng indibiduwal.
Kung walang available na RT-PCR test, maaring gamitin ang rapid antigen test.
Papayagan ding makapag-outdoor exercise sa bisinidad lamang ng tirahan.
Sinumang indibiduwal na lumabag ay papatawan ng P1,000 o hindi bababa sa isang buwang pagkakakulong at hindi hihigit sa anim na buwang pagkakakulong, depende sa desisyon ng korte.
Para naman sa mga negosyo na hindi tatalima sa ordinansa, pagmumultahin ng P5,000 at suspensyon ng business permit at license to operate nang pitong araw.