BOC, nakapagsampa ng 166 criminal at administrative cases vs importers, customs brokers sa taong 2021

Pinaigting ng Revenue Collection Monitoring Group (RCMG), sa pamamagitan ng Bureau’s Action Team Against Smugglers (BATAS) ng Legal Service, ang kampanya laban sa mga importer at customs broker na lumabag sa customs laws.

Katuwang ang iba pang ahensya ng gobyerno, nagresulta ang anti-smuggling efforts ng Bureau of Customs (BOC) sa pagsasampa ng 103 criminal cases laban sa 309 inidbiduwal mula Enero hanggang Disyembre 2021.

Nilabag ng nasabing bilang ng importers at customs brokers ang Republic Act No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at iba pang may kinalamang batas.

Samantala, 63 administrative cases naman ang inihain laban sa mga lisensyadong customs brokers sa Professional Regulation Commission (PRC).

Lumabas sa datos ng BATAS na kabilang sa mga kaso ang pagkakasangkot sa ilegal na importasyon ng sigarilyo na nagkakahalaga ng P897.1 milyon; agricultural products (P293.9 milyon); general merchandise na aabot sa halos P253.2 milyon; iba’t ibang gamot (P57.1 milyon); motor vehicles (P49.1 milyon); at iba pang kalakal (P63.1 milyon).

Maliban dito, nagsampa rin ng criminal cases dahil sa ilegal na pag-aalis ng electronic Customs seals laban sa ilang indibiduwal.

Tiniyak ng BOC na patuloy nilang ikakasa ang kampanya laban sa smuggling sa pamamagitan ng pagsasampa ng nararapat na kaso.

Read more...