Umabot 1,120 na tawag sa telepono kada araw ang natatanggap ng One Hospital Command, ang COVID-19 referral center ng Pilipinas.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Health Undersecretary Leopoldo Vega, head ng One Hospital Command, mula sa 98 hanggang 112 na tawag kada araw noong Disyembre 2021, biglang umakyat ito sa 1,120 na tawag kada araw.
Karamihan aniya sa mga tumatawag ay naghahanap ng quarantine o isolation facilities.
Hindi aniya kagaya noong nakaraang taon na karamihan sa mga tumatawag ay naghahanap ng ospital.
“Pero, ito dahil sa mga bagong bilang na ngayon mataas na masyado ay talagang gumagrabe iyong number of calls at napansin din namin na itong calls na… karamihan ng mga calls na ito mga 60% ng mga calls ay naghahanap ng quarantine or isolation facilities or kung nagpapa-assist sa home isolation,” pahayag ni Vega.
“Ito ngayong January, nakita natin iyong mga tawag mostly on the isolation facilities, home isolation at saka kukonti na iyong referrals namin, nasa mga 15% iyong referrals namin for the hospital and for the intensive care unit services,” dagdag ni Vega.