32,000 bahay sa Quezon City, isinailalim sa lockdown

Aabot sa 32,000 na bahay sa Quezon City ang naka-lockdown dahil sa COVID-19.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, hindi magpapatupad ang pamahalaang lungsod ng granular lockdown kahit na marami ang tinatamaan ng virus.

Sa halip, sinabi ni Belmonte na house-to-house lockdown lamang ang ipatutupad sa Quezon City.

Paliwanag ni Belmonte, kapag ini-lockdown ang isang komunidad, maaring ma-lockdown na ang buong lungsod.

Sa ilalim ng house-to-house lockdown, tanging ang mga nakatira lamang sa isang bahay ang pagbabawalang lumabas.

Read more...