Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong batas na magbabago sa pangalan ng Roosevelt Avenue sa Quezon City.
Base sa Republic Act 11608, papalitan na ang pangalan na Roosevelt Avenue at gagawin ng Fernando Poe Jr. Avenue.
Inatasan ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na maglabas ng kaukulang rules, orders at circulars para maipatupad ang batas sa loob ng 60 araw.
Magiging epektibo ang bagong batas 15 araw matapos ang paglalathala sa Official Gazette o sa mga pangunahing pahayagan.
Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang bagong batas noong Disyembre 10, 2022.
Una nang isinulong sa Kamara at Senado ang panukalang batas na ipangalan sa tinaguriang “Action King” ng Pilipinas na si Fernando Poe Jr. ang Roosevelt Avenue para bigyang pagkilala ang ambag sa mundo ng pelikula.