Hirit na academic break para sa mga titser sinuportahan ni Sen. Risa Hontiveros

Tao lang din ang mga guro.

 

Ito ang katuwiran ni Senator Risa Hontiveros sa pagpapahayag niya ng suporta sa panawagan na dalawang linggong academic break para sa mga guro.

 

“They are also exposed to the same health risks and are experiencing the same difficulties like everybody else. Maaring hindi lang sila ang may sakit kundi ang kanilang pamilya,” diin nito.

 

Sinabi pa ni Hontiveros na ang dalawang linggo ay katumbas lang din ng ‘full quarantine period’ o maaring sapat na panahon para sila ay makapagpahinga at makarekober.

 

Aniya dapat ay irekunsidera din ng Commission on Higher Education (CHED) ang anunsiyo ukol sa pagkasa ng limited face-to-face classes.

“The health and safety of both students and teachers should be the priority. We also cannot allow sick teachers teaching our children who are also vulnerable to COVID. Ang kalusugan ng ating mga guro ay kalusugan din ng ating mga anak,” sabi pa ng senadora.

 

Read more...