141 DOJ personnel kabilang sa COVID 19 active cases

Hanggang kahapon, 59 kawani ng Department of Justice sa main office sa Maynila ang may COVID 19.

 

Ayon kay Justice Usec. Emmeline Aglipay-Villar, bukod pa dito ang 82 active cases sa ibat-ibang prosecutors offices sa buong bansa.

 

Base naman sa kanilang datos, 769 sa kanilang kawani sa DOJ Main Office ang fully vaccinated at may tatlo na naturukan na ng first dose.

 

Samantala, sarado simula ngayon araw hanggang Enero 31 ang lahat ng mga korte sa Metro Manila, Laguna, Cavite, Bulacan at Rizal, gayundin sa iba pang lalawigan na nasa Alert Level 3.

 

Ang pagpapasara sa mga korte ay iniutos ng Korte Suprema base sa ipinalabas na memorandum circular ni Chief Justice Alexander Gesmundo base sa pagkonsulta sa iba pang mga mahistrado.

Read more...