Ito ay para bigyang daan ang pag-aayos ng sirang box culvert ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa harap ng Libertad Pumping Station sa Pasay City.
Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, kailangang bilisan ang pag-aayos para hindi makaabala sa mga motorista.
Gagawin ang pag-aayos sa southbound lane ng Roxas Boulevard, sa harap ng HK Sun Plaza sa Pasay City patungo ng flyover ng EDSA-Roxas Boulevard.
“According to DPWH, because of the structural integrity of their project, the structure might weaken,” pahayag ni Abalos.
“The agency have laid down alternate routes for affected motorists. Likewise, directional traffic signs will also be placed at strategic locations to better guide the public,” dagdag ni Abalos.
Tiniyak naman ni Engr. Neomie Recio, Director ng MMDA Traffic Engineering Center, na may enforcers na magmamando sa daloy ng trapiko.
“Once closed, we will deploy additional traffic enforcers for the entire duration of the rehabilitation. We will also implement a zipper lane or counterflow scheme for light vehicles, but on a case-to-case basis,” pahayag ni Recio.
Sinabi naman ni Mikunug Macud, District Engineer ng DPWH South Manila District Engineering Office, na tatagal ng 60 araw ang pag-aaayos.
Kaya agad na humingi ng pang-unawa si Abalos sa mga motorista.
“We are appealing for the public’s understanding as to the inconvenience the temporary road closure would cause. But this is necessary to ensure the safety of motorists and pedestrians,” pahayag ni Abalos.
Nasa 887 cargo trucks at 1,029 trailers ang dumadaan sa southbound direction ng Roxas Boulevard kada araw.
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong kalsada.
Para sa mga light vehicles, maaring dumaan sa:
– Mula Bonifacio Drive/Roxas Boulevard: magtungo sa Roxas Blvd.-Buendia Avenue service road, kanan sa Buendia Avenue Extension at kaliwa sa Diosdado Macapagal Boulevard patungo sa kanilang destinasyon.
– Mula Bonifacio Drive/Roxas Boulevard: kanan sa HK Sun Plaza access road, kaliwa sa Diosdado Macapagal Boulevard patungo sa destinasyon.
– Mula Bonifacio Drive/Roxas Boulevard: kaliwa sa Pres. Quirino Avenue patungo sa destinasyon.
Samantalang ang heavy vehicles/trucks/trailers, maaring kumaliwa sa P. Burgos Avenue, patungo sa Finance Road at Ayala Boulevard, tapos ka kanan sa San Marcelino Street, patungo sa P. Quirino Avenue hanggang sa South Luzon Expressway.