Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang 4:00, Miyerkules ng hapon (January 12), 32,246 ang naitalang bagong kaso sa loob ng isang araw.
Dahil dito, pumalo na sa 3,058,634 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 208,164 o 6.8 porsyento ang aktibong kaso.
6,435 rito ang asymptomatic o walang sintomas, 197,091 ang nakararanas ng mild symptoms, 2,872 ang moderate, 1,468 ang severe, habang 298 naman ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 144 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 52,654 o 1.72 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 5,063 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 2,797,816 o 91.5 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.