Ito ay habang sapat pa ang suplay ng bakuna sa bansa.
Ayon kay Go, chairman ng Senate committee on Health, mas makabubuti kung mayroong dagdag-proteksyon ang isang indibidwal laban sa virus.
Pero paalala ni Go, kailangang nakumpleto na ang dalawang dose ng bakuna at kwalipikado na sa booster shot.
“Hinihikayat ko po ang lahat na magpabakuna lalo na’t bukas na ang programa sa general population. Pwede na rin magpabooster ang mga qualified. Nasa datos naman na kung sino ang positibo at grabe ‘yung sintomas ay kadalasan sila ‘yung mga hindi pa bakunado,” pahayag ni Go.
“Kaya ipakita natin ang malasakit sa ating mga frontliners at magpa-schedule na tayo sa pinakamalapit nating vaccination site. Huwag kayong matakot sa bakuna dahil ito ang tanging solusyon para unti-unti na tayong makabalik sa ating normal na pamumuhay,” dagdag ng senador.
Target ng pamahalaan na bakunahan ang 77 milyong Filipino sa unang quarter ng 2022.
Ayon kay Go, target ng pamahalaan na mabakunahan ang tatlong milyong senior citizen, 25 milyon na eligible sa booster shots at mga menor de edad.
Kukuha aniya ang gobyerno ng dagdag na vaccinators para mapabilis ang pagbabakuna.
“Importante na bakunado kayo para maiwasan niyo ang mga severe na sintomas ng sakit kung ma-infect man kayo. Kaya ‘wag kayo matakot sa bakuna. Matakot kayo sa COVID-19 dahil ito ang nakakamatay. Gaya ng sabi ng mga eksperto, if you’re not protected against COVID-19, the virus will itself find you and infect you,” dagdag ni Go.
Sa ngayon, nasa 114.2 milyong katao na ang bakunado sa Pilipinas.
Sa naturang bilang, 57.8 milyong katao ang nabigyan ng first dose habang 52.8 milyon na ang fully vaccinated. Nasa 3.6 milyon naman na ang nabigyan ng booster shot.