Drive-thru vaccination sa Quirino Grandstand, aarangkada na bukas

Manila PIO photo

Simula bukas, aarangkada na ang COVID-19 drive-thru vaccination sa Quirino Grandstand sa lungsod ng Manila.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, ito ay para sa mga nagnanais na magkaroon ng booster shot.

Kailangan aniyang bilisan ang pagbibigay ng booster shots dahil na rin sa banta ng Omicron variant ng COVID-19.

Apat na lane aniya ang nakalaan sa Quirino Grandstand para sa 300 sasakyan o mga four-wheel vehicle.

Sa isang sasakyan, maari aniyang magsakay ng lima katao.

Nangangahulugan ito ng 1,500 katao na matuturukan kada araw.

Bukas ang drive thru mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

Ayon kay Moreno, maaring gawin ang pagkuha ng booster shots ang mga kabataang nakakumpleto na sa bakuna o ang mga nasa pediatric category at ang mga senior citizen

Kailangan lang aniyang ipakita ang vaccination card.

Samantala, sinabi ni Moreno na tuloy din an drive-thru swab test sa Quirino Grandstand.

Read more...