Palasyo, nababahala sa napaulat na hacking incident sa server ng Comelec

PCOO photo

Nababahala ang Palasyo ng Malakanyang sa napaulat na hacking incident sa server ng Commission on Elections (Comelec).

Ayon kay Cabinet Secretary at acting presidential spokesman Karlo Nograles, nakababahala ang naturang balita kung totoo.

Sa ngayon, sinabi ni Nograles na mas makabubuting hintayin na muna kung ano ang magiging opisyal na pahayag ng Comelec.

Una rito, sinabi ng Comelec na biniberepika na nila ang ulat ng hacking incident.

Read more...