Kabuuang bilang ng naitalang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, sumampa na sa 3.02-M

Lagpas sa 28,000 ang naitalang kaso ng naitalang kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang 4:00, Martes ng hapon (January 11), 28,007 ang naitalang bagong kaso sa loob ng isang araw.

Dahil dito, pumalo na sa 3,026,473 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 181,016 o 6.0 porsyento ang aktibong kaso.

5,521 rito ang asymptomatic o walang sintomas, 170,873 ang nakararanas ng mild symptoms, 2,863 ang moderate, 1,464 ang severe, habang 295 naman ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 219 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 52,511 o 1.74 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 4,471 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 2,792,946 o 92.3 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...