Lagpas 5.51 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.
Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 5,512,508 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 861,336.
Sumunod na rito ang Brazil na may 620,142 na pumanaw bunsod ng pandemiya.
Nasa 484,213 naman ang death toll sa India habang 316,904 ang napaulat na nasawi sa Russia.
Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Mexico – 300,412
– Peru – 203,097
– United Kingdom – 150,230
– Indonesia – 144,136
– Italy – 139,265
– Iran – 131,915
– Colombia – 130,395
– France – 125,718
– Argentina – 117,543
– Germany – 114,887
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 311,112,973 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nasa 260,673,751 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.