Pangako na libreng cake ng isang bakeshop kung mananalo si Duterte, sinisingil na ng netizens

 

Mula sa google

Hindi pinalampas ng mga netizens ang binitiwang pangako ng isang bakeshop na mamimigay sila ng libreng cakes oras na manalo sa halalan si Davao City Mayor at ngayo’y presumptive president Rodrigo Duterte.

Sa isang post ng pastry chef ng Quim’s Cake na si Jack Labang, sinabi niya na “‘Pag manalo si Duterte manok niyo guys, gagawa ako ng maraming cakes, pinakamaraming cakes sa Pilipinas worth 5 milyon para ipakain for free, siguraduhin niyo lang manalo siya. Mark my word.”

At dahil ngayong si Duterte na ang nangunguna sa bilangan mula pa nang mag-umpisa ang bilangan at nag-concede na ang kaniyang mga kalaban, naniningil na ang mga netizens sa kaniya.

Noong Lunes, binati niya ang aniya’y bagong lider ng bansa, kasabay ng pagsabi na tutuparin niya ang kaniyang pangako kung matutupad rin ni Duterte ang pangako niya na maresolbahan ang kriminalidad sa loob ng 3-6 buwan.

Gayunman, hindi naman pumapayag ang mga netizens sa kundisyon na sinabi ni Labang, kaya naman kinonsidera na rin ng Quim’s Cake ang pagtupad sa kanilang pangako.

Ayon sa post sa kanilang page, mayroon silang itatakdang mga batch ng kanilang cake sampling na halagang 5 million.

Gayunman, para makatikim sa kanilang libreng cake, inanunsyo ng bakeshop na kailangan lang i-like ang kanilang Facebook page at i-send sa kanilang email address ang pangalan, edad, address at contact number.

Dalawang beses kada buwan sila magsasagawa ng cake sampling simula sa buwan ng Hulyo na ilalaan para sa unang 50 katao na magre-register.

Read more...