Proklamasyon sa mananalong Presidente at VP, bago mag-June 8 isasagawa

 

Maipo-proklama na ng Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso ang mananalong Presidente at Bise Presidente sa katatapos na May 09, 2016 elections, bago tuluyang magtapos ang 16th Congress.

Sa isinagawang Media Coordination Briefing sa Kamara, sinabi ni House of Representatives Public Relations and Information Bureau Exec. Dir. Rica dela Cuesta na ang huling sesyon ng Kongreso para sa 16th Congress ay matatapos sa June 9.

Kaya inaasahan aniya na sa June 8 ay maipo-proklama na ang bagong Pangulo at Pangalawang Pangulo ng Pilipinas, pero maaari pang mas mapaaga ito.

Inihalimbawa ni dela Cuesta ang nangyari noong 2010 canvassing ng Kongreso sa Presidential at Vice Presidential posts na inabot lamang ng 10 araw.

Ang Senado at Kamara, alinsunod sa Konstitusyon, ay tatayong National Board of Canvassers at naatasang magproklama ng mga nanalong kandidato sa dalawang pinakamataas na posisyon sa gobyerno.

Sa May 23 magbubukas muli ang sesyon, at batay sa proseso, magpapasa muna ang Upper at Lower Houses ng resolusyon para sa joint canvassing.

Pagkatapos nito ay na mag-aadopt ang joint resolution, na magbubunsod naman sa pagbuo ng joint panel committee na uupo bilang National Board of Canvassers, na mayroon dapat na tig-siyam na miyembro mula sa Senado at Kamara.

Kaugnay nito, inilatag din ni Dela Cuesta ang rules para sa media coverage, naging ang seguridad sa loob at labas ng Batasan Complex.

Noong Lunes, isinagawa na ang initialization at configuration ng Consolidation and Canvassing System o CCS na gagamitin sa canvassing ng boto para sa Presidente at Bise Presidente.

Read more...