Anak ni Danding, Enrile hindi umubra sa local elections

 

Mula sa inquirer.net

Kung may ilang mga datihang pulitiko na nanalo, may ilan ring natalo sa nakaraang eleksyon.

Sa Pangasinan, natalo nina Gov. Amado Espino Jr. at anak nito na si Board Member Amado Espino III sina dating Mark Cojuangco at maybahay nito na si Rep. Kimi Cojuangco.

Natalo ng nakababatang Espino si Mark Sa gubernatorial race samantalang natalo naman ng ama nito si Rep. Kimi bilang kinatawan ng ikalimang distrito ng Pangasinan.

Sa Cagayan, tinatalo naman ni Board Member Ramon Nolasco si Rep. Jack Ponce Enrile Jr. na anak ni Senador Juan Ponce Enrile bilang kinatawan ng second district ng lalawigan.

Sa Zambales, nakuha nang muli ni dating Gov. Amor Deloso ang puwesto matapos matalo si incumbent Gov. Hermogenes Ebdane Jr.

Sa Pampanga, hindi naman pinalad si Sen. Lito Lapid na manalo bilang mayor ng Angeles City laban kay Mayor Ed Pamintuan na nasa ikatlo na nitong termino.

Talo rin si Iloilo Rep. Niel Tupas Jr., ng Liberal Party na tumakbo sa pagka-vice governor ng lalawigan at mmaybahay nitong si Yvonne Angeli.

Read more...