Pilipinas nasa critical risk na dahil sa COVID-19
By: Chona Yu
- 3 years ago
Inamin ni Health Secretary Francisco Doque III na nasa critical risk na ang Pilipinas dahil sa Omicron variant ng COVID-19.
Ito ang naging ulat kagabi ni Duque kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Talk to the People.
Ayon kay Duque, kasalukuyang nasa critical risk case classification ang Pilipinas dahil may pagtaas na 690% ang kaso sa seven-day average of daily reporting cases.
Sinabi pa ni Duque na nalagpasan na ng Omicron ang Delta bilang dominant variant sa Pilipinas.
Base ito aniya sa genome sequencing kung saan 60 percent sa samples na nasuri ay positibo sa Omicron variant.
Sa pinakahuling talaan ng Department of Health, umabot sa 33,169 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala kahapon, January 10, 2022.