Pagkikita nina Joma at Belmonte, magandang simula

 

11693222_848103598607751_1865038261_n
Contributed Photo

Welcome sa Malakanyang ang pakikipag-usap sa the Hague ni House Speaker Sonny Belmonte kina Communist Party of the Philippines (CPP) at National Democratic Front of the Philippines (NDFP) leaders Jose Maria Sison at Luis Jalandoni.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, magandang umpisa ang pagkikipaga-usap ni Belmonte sa dalawang mataas na opisyal ng National Democratic Front.

Tiniyak naman ni Lacierda na handa ang government peace panel na makipagtalakayan sa kanila tungkol sa isyu ng kapayapaan sa CPP-NPA-NDF.

“Mabuti naman at nagkaroon sila ng pagkakataong makipag-usap at napag-usapan na ang peace process. Alam niyo namang handa po ang ating panel, ang Philippine panel namang makipagtalakayan sa kanila tungkol sa isyu ng peace, ng kapayapaan dito sa CPP-NPA-NDF.,” ayon pa kay Lacierda.

Gayunman, aminado si Lacierda na may mga bagay na kailangan munang mangyari bago tuluyang magbalik sa negotiating table ang pamahalaan sa komunistang grupo.

Kailangan aniya itong ng mapag-usapan at mapag-planuhan para makabalik sa negotiating table ang gobyerno at ang CPP-NPA-NDF./ Alvin Barcelona

Read more...