Sa Facebook, inanunsiyo ng mambabatas na nagpositibo siya sa nakahahawang sakit bandang 7:00, Lunes ng gabi, January 10, 2022.
“I’m asymptomatic for now and have gotten in touch with a doctor to take care of me,” pahayag nito.
Inabisuhan si Arroyo ng doktor na mag-isolate sa kaniyang bahay sa Pampanga, at uminom ng COVID-19 drug na Molnupiravir at vitamins.
Nagpasalamat naman ang kongresista sa Panginoon dahil fully vaccinated siya at nakatanggap na rin ng booster shot.
MOST READ
LATEST STORIES