Naibiyahe na ng Philippine Coast Guard (PCG) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) Caraga ang 20 tonelada ng donasyon sa remote areas sa Surigao del Norte at Dinagat Islands.
Katuwang ang Philippine National Police (PNP) Police Regional Office 13, isinakay sa BRP Cape San Agustin (MRRV-4408) ang 2,394 family food packs mula sa DSWD, 50 sako ng 50 kilo ng bigas, iba’t ibang construction materials, at apat na kahon ng iba’t ibang malinis na damit mula sa Department of Transportation – Philippines (DOTr).
Itinalaga ang mga tauhan ng Coast Guard stations sa Dinagat Islands at Surigao del Norte, at Special Operations Unit – Southeastern Mindanao para sa pamamahagi ng relief packs sa Barangay Lisondra at Barangay Zaragosa sa Surigao del Norte, maging sa Barangay Sering, Barangay Liberty, Barangay Helen, at Barangay Magsaysay sa Dinagat Islands.
Nakapag-abot din ng mga sako ng bigas sa ilang mangingisda na nadaanan ng barko ng ahensya habang papunta sa mga isla.
Sa kabila ng hindi magandang kondisyon ng dagat, maayos na naibaba ang food packs sa tulong ng mga residente.