Base sa liham ni PISI president Ronald Magsajo kay Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, pinabubusisi nito ang mga kompanyang Philippine-Sanjia Steel Corporation at AG&A General Merchandise.
Ayon sa reklamo ng PISI, nag-i-import ang Philippine Sanjia Steel Corporation ng steel crap na average declared value na one hundred ten dollars per metric ton kung saan ang presyo ng international scarp ay nasa pagitan ng four hundred fifty hanggang five hundred fifty dollars per metric ton.
Habang ang AG&A General Merchandise naman ay isang licensed importer ng wood products.
Ayon sa reklamo, nag-aangkat ang kompanya ng steel cold rolled coils na may average declared value na $500 kung saan ang presyo ng international CRC ay nasa pagitan ng $800 hanggang $1,000/MT
Inilakip din ng PISI sa kanilang reklamo kay Guerrero ang presyo ng graphical representation base sa Platts Steel Business Briefing (Platts-SBB) na isang international steel publication reference.
Nais ng grupo na maimbestigahan ng BOC ang dalawang kompanya kung tama ang pag-aangkat ng bakal.
Hirit ng PISI sa BOC, makasuhan sana ng paglabag sa customs at tariff laws kung mapatutunayang may pagkakamali sa importasyon ng bakal.
Ayon sa PISI, umaaray na ang kanilang industriya dahil sa mataas na presyo ng bakal na lalo pang pinadapa dahil sa pandemya sa COVID-19.
Sinabi naman ni Assistant Commissioner Atty. Jet Maronilla na may ginagawa ng imbestigasyon ang kanilang hanay ukol dito.