Pilipinas, nakapagtala ng 33,169 na bagong kaso ng COVID-19; Aktibong kaso, higit 157,000 na

Lagpas sa 33,000 ang naitalang kaso ng naitalang kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang 4:00, Lunes ng hapon (January 10), 33,169 ang naitalang bagong kaso sa loob ng isang araw.

Dahil dito, pumalo na sa 2,998,530 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 157,526 o 5.3 porsyento ang aktibong kaso.

4,994 rito ang asymptomatic o walang sintomas, 147,912 ang nakararanas ng mild symptoms, 2,858 ang moderate, 1,461 ang severe, habang 301 naman ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 145 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 52,293 o 1.74 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 3,725 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 2,788,711 o 93.0 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...