Ayon sa Navotas City government, ilang kawani kasi naturang ospital ang nagpositibo sa COVID-19.
Bunsod nito, walang elective surgery o mga operasyong nakaplano nang maaga.
Hindi na rin muna tatanggap ng normal o cesarian delivery sa mga buntis. Maaring isangguni ang mga manganganak sa Tanza Lying-in o One Hospital Command.
Lilimitahan din ang tatanggaping admission at gagawing prayoridad ang mga pasyente sa Internal Medicine.
Magiging limitado rin ang laboratory at x-ray sa mga pasyente sa Emergency Room at Admission.
Sinabi pa ng Navotas City government na paiigtingin ang paggamit ng telemedicine para sa Outpatient Department. Maaring puntahan ang link na ito para sa Navotas City Hospital Telemedicine: https://tinyurl.com/NavCH-Telemed
Tiniyak naman na tuloy pa rin ang pagbibigay ng bakuna sa lobby ng naturang ospital.
Humingi naman ang Navotas City government ng paumanhin at pang-unawa sa publiko.