LTO Central Office, nanatiling sarado

Nanatiling sarado ang Land Transportation Office (LTO) Central Office sa araw ng Lunes, January 10.

Ayon sa ahensya, nagpositibo sa COVID-19 ang karamihan sa client-facing personnel sa nasabing tanggapan.

Idineklara naman bilang close contact ang kanilang mga kasamahan kung kaya’t kinakailangan ding sumailalim sa quarantine.

Magdi-disinfect sa tanggapan upang mapanatili at masiguradong ligtas nang makapagbibigay ng serbisyo sa publiko sa lalong madaling panahon.

Dahil dito, magpapatupad ang LTO ng extension sa validity ng lahat ng student’s permit, driver’s license, conductor’s license, at maging sa medical certificates na nakatakdang mag-expire sa mga susunod na buwan.

Narito ang naunang itinakdang expiration ng mga nabanggit na dokumento:

Jan. 2022 – pinalawig hanggang Mar. 31, 2022
Feb. 2022 – pinalawig hanggang April 30, 2022
Mar. 2022 – pinalawig hanggang May 31, 2022

Samantala, sarado rin ang LTO NCR East, Diliman District Office, Quezon City Licensing Office (QCLC), Quezon City Licensing Renewal Office (QCLRC), North Motor Vehicle Inspection Center (NMVIC), at Public Utility Vehicle Registration Center (PUVRC).

Read more...