Lumalabas na hindi bakunado, hindi aarestuhin – DILG chief

Nilinaw ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na pauuwiin lamang at hindi aarestuhin ang mga hindi pa bakunado na lalabas ng kanilang bahay.

 

Ayon pa kay Sec. Eduardo Año maglalagay ng checkpoints para malimitahan ang galaw ng mga hindi pa nagpapaturok ng COVID 19 vaccines bunga na rin ng pagdami ng mga nahahawa ng nakakamatay na sakit na hinihinalang dulot ng Omicron variant.

 

“Ang ating mga barangay capataons at mga kapulisan ay magsasawa ng mga checkpoints. Kung ikaw ay hindi bakunado, pauuwiin ka, ‘yun lang naman. Pero kung ikaw ag magre-resist ay sapilitan kang iuuwi,” sabi ng kalihim.

 

Diin pa ni Año kung talagang magpupumilit ang hindi bakunado, maari nang gumawa ng mga kinauukulang hakbang ang awtoridad base sa nakasaad sa mga batas at kasama na dito ang ang pag-aresto.

 

Una na rin sinabi ni Justice Sec. Menardo Guevarra na aarestuhin din ang mga indibiduwal na magpapakita ng pekeng vaccination card.

 

Bago pa ito, inatasan na ni Pangulong Duterte ang mga opisyal ng barangay na pauwiin ang mga lalabas ng ng bahay na hindi pa bakunado at arestuhin sila kung magpupumiglas.

 

 

Read more...