Halos 500 na bagong kaso ng COVID-19, naitala sa PNP

Nasa 436 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Lunes (January 10), 43,603 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 1,884 ang aktibo pang kaso.

Lima namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 41,594 pa rin ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito, 125 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...