Meralco nag-anunsiyo ng bawas singil sa halaga ng kuryente

Magbaba ng singil sa kuryente ang Manila Electric Company (Meralco) ngayon unang buwan ng taon, kasunod ng siyam na buwan nang sunod-sunod na pagtaas noong 2021.

 

Matatapyasan ng 7.46 sentimos ang singil na per kilowatt hour mukla sa P9.7773 / kWH noong Disyembre ito ay magiging P9.7027 na lamang ngayon buwan.

 

Bunga ito ng pagbaba sa generation charges ng 109.81 sentimos dahil sa bumabang halaga mula sa power supply agreements (PSA) at independent power producers (IPPs).

 

Ang PSA at bumaba ng 43.75 sentimos sa PSA rates, samantalang 5.43 sentimos naman ang natapyas sa IPP rates kayat naibasan ang mas mataas na singil mula sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) na tumaas pa ng 85.11 sentimos/kWh.

 

Ang mga  nakakakonsumo ng average na 200 kWh kada buwan ay makakatipid ng P15 sa kanilang bayad sa Meralco.

Read more...