Disqualified bidder nasungkit P1.3B kontrata, PS-DBM kinuwestiyon

Panibagong diumanoy anomalya ang kinasasangkutan ng Procurement Service ng Department of Bidget and Management (DBM) at ito ay kaugnay sa isang proyekto sa Morong, Bataan.

 

Base sa mga dokumento, noong Agosto ng nakaraang taon, inilathala ang PS-DBM ang PB No. 21-119-5 na Site Development ng 100-hectare area sa Bataan Technology Park na may approved budget for the contract (ABC) na P1,306,340,937.03.

 

Ilang bidders ang agad nagsumite ng kanilang bid documents kabilang na ang EML Construction, na agad na-diskuwalipika dahil sa expired Philippine Contractors Accreditation Board (PCAB) license.

 

Ngunit sa hindi malinaw na kadahilanan, pinayagan pa rin ang EML ngunit sa second opening of bids muling na-diskuwalipika ang AML bunga naman ng kabiguan na makasunod sa technical requirements / components.

 

Naging unanimous din ang desisyon ng mga miyembro ng Bids and Awards Committee na i-diskuwalipika ang EML kayat labis na ipinagtaka na naibigay sa kanila ang kontrata base sa ipinalabas na Notice of Award.

 

Nabatid na base sa Procurement Law, hindi pinapayagan ang disqualified bidder na ayusin pa ang pagkukulang nila sa requirement, partikular na sa technical and financial requirement.

 

Ngayon ay pinag-iisipan na ng mga lehitimong contractors na lumapit kay Pangulong Duterte, na paulit-ulit na inihayag na papanagutin ang mga tiwaling opisyal sa kanyang administrasyon.

 

Anila balak din nilang lumapit sa Office of the Ombudsman para magkaroon ng imbestigasyon sa posibleng paglabag sa RA 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act at RA 7080 o Plunder Law.

 

 

Read more...