Hindi pa kinakailangan na isasailalim sa Alert Level 4 ang Metro Manila sa kabila ng patuloy na pagtaas ng bilang ng COVID 19 cases, ayon kay presidential spokesman Karlo Nograles.
“We are actively monitoring all of the metrics and parameters na dapat nating tingnan and even over and above that. As of the moment, hindi pa po siya tumatama doon sa tatlong metrics natin (the region is not hitting the three metrics) enough for it to declare Alert Level 4,” katuwiran ni Nograles.
Paliwanag pa nito bagamat mataas ang two-week growth rate at average daily attack rate, gayundin ang total bed utilization sa mga pasilidad, hindi pa inaabot ang metrics para sa total bed utilization rate para magdeklara ng Alert Level 4.
Una nang inihayag ng OCTA Research na sa kauna-unahang pagkakataon, umabot na sa 50 porsiyento ang positivity rate sa Metro Manila.
Epektibo ang Alert Level 3 sa Kalakhang Maynila hanggag Enero 15.