Mga lugar na may mataas na kaso ng COVID-19, dapat ilagay sa Alert Level 4

Inirekomenda ni infectious disease expert Dr. Rontgene Solante na itaas sa Alert Level 4 ang mga lugar na may mataas na kaso ng COVID-19.

Ayon kay Solante, nakadaragdag din kasi ang kaso ng Omicron variant.

Sinabi pa ni Solante, punuan na ang mga ospital ngayon dahil sa dami ng pasyente na nag-positibo sa virus pati na ang pagdami ng mga health workers na nagkakasakit.

Higit sa lahat sinabi ni Solante na marami na rin ang nahahawaan ng sakit.

Hindi kasi aniya maikakaila na mas mabilis makahawa ngayon ang Omicron variant.

Read more...